Pumalo na sa mahigit P22-billion ang naitalang pinsala ng Supertyphoon Yolanda sa Visayas.
Sa pinakahuling Damage Assessment Report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, umaabot na sa kabuuang P22,659,851,383.76 ang halaga nang winasak na ari-arian at imprastraktura ng kalamidad.
Sa sektor ng agrikultura, umaabot naman sa mahigit P10.7 billion ang pinsala, kabilang ang mahigit P5-billion sa pananim at mahigit P2-billion sa livestock.
Una nang iniulat ng ahensiya na nasa 5,235 na ang kumpirmadong nasawi sa bagyo habang 1,613 pa ang patuloy na pinaghananap.
Samantala, magta-tatlong linggo makalipas tumama ang Supertyphoon Yolanda, nanawagan na rin ang United Nations o UN sa pamahalaang Pilipinas na madaliin na ang trabaho para maibalik ang suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar.
Sa isang pahayag, sinabi ni UN Resident and Humanitarian Coordinator Luiza Carvalho, malaking sagabal pa rin sa ginagawang Reliedf at Recovery Efforts ay ang kawalan ng kuryente sa nasabing mga lugar.
0 comments:
Post a Comment