Ipinagbubunyi ngayon ng sambayanang Filipino ang panalo ni 8-division World Champion Manny Pacquiao laban kay Brandon Rios sa kaniyang Return Fight sa The Venetian, Macau.
Panalo si Manny laban kay Rios via Unanimous Decision.
Makalipas ang may isang taong pahinga matapos ang masaklap na pagkatalo kay Mexican Rival Juan Manuel Marquez, pinatunayan ni Manny na nanumbalik na ang dati nitong lakas sa ibabaw ng Boxing Ring.
Sa Round 1 pa lang, kita na ang pagpanumbalik ng lakas at bilis ng mga kamao ni Manny.
Pagsapit ng Round 6, nagsimula nang mamaga ang kanang mata ni Rios at sa Round 8, tumulo na rin ang dugo sa ilong nito.
Una nang inihayag ng Pinoy ring icon na kaniyang iniaalay sa mga kababayang sinalanta ng bagyong Yolanda ang laban nito kay Rios.
0 comments:
Post a Comment