Idineklara ng Archdiocese ng Palo, Leyte sa pangunguna ni Archbishop John F. Du, ang Disyembre 8, araw na Linggo bilang "Day of Bereavement."
Kinumpirma ito ni Father Amadeo Albiero, kuraparuko ng Sto. NiƱo Church sa Palo, Leyte. Ayon kay Fr. Abiero, sa naturang araw kailangang ang lahat ng mga simbahan ay mag-aalay ng panalangin para sa lahat ng mga namatay dahil sa paghagupit ng Bagyong Yolanda sa Bisayas.
Inatasan na ng kanilang arsobispo ang lahat ng mga simbahan sa kanilang Archdiocese na dalawang araw bago ang nasabing okasyon, kailangang kompleto na ang listahan ng mga namatay sa bagyo upang maisama sa alay na panalangin.