Mismong si Pangulong Noynoy Aquino ang naggiit na hindi hina-harass ng administrasyon si Boxing Champion Manny Pacquiao kaugnay sa kinakaharap na kaso sa Bureau of Internal Revenue o BIR.
Sinabi ni Pangulong Aquino na walang dahilan para gipitin nila ang Pinoy Ring Icon at ginagawa lamang ng BIR ang trabaho sa pagbubuwis.
Ayon kay Pangulong Aquino, kung tama ang ginawa ni Pacquiao ay tiwala siyang mareresolba nito ang problema at maidedepensa ang sarili.
Kasabay nito, pinayuhan din ni Pangulong Aquino si Pacman na huwag makisangkot sa "Media War."
Hindi raw mareresolba ng media ang kanyang problema at sa BIR siya dapat sumagot.
0 comments:
Post a Comment