Tadtad sa tama ng bala ang katawan ng isang Blocktime Radio Commentator matapos itong binaril ng Motorcylce In Tandem Suspects sa Valencia City, Bukidnon kagabi.
Kinilala ang biktima na si Joas Dignos, naninirahan sa Bukidnon, subalit mayroong bahay din sa lungsod ng Cagayan de Oro.
Dead On The Spot si Dignos dahil sa dami ng tama ng bala mula sa hindi pa matukoy na uri ng baril na ginamit ng mga suspek.
Si Dignos ay kilala sa pagiging Hard Hitting Commentator ng DXGT Radyo Abante na nakabase sa bayan ng Maramag, Bukidnon.
Sa ngayon blangko pa ang pulisya sa motibo ng pagpatay ng mga suspek sa nasabing biktima.
Napag-alaman na si Dignos ay may ilan na ring mga himpilan ng radyo na nilipatan mula sa Cagayan de Oro, Cebu City at Bukidnon.
0 comments:
Post a Comment