Pinaghahandaan ng Department of Health o DOH na lalong dadami ang bilang ng mga pasyenteng isusugod sa iba't-ibang pagamutan na biktima ng paputok simula alas sais mamayang gabi hanggang sa pagsalubong ng bagong taon.
Inaasahan na papalo ng mula 50 hanggang sa 80 pasyente bawat oras ang isusugod sa mga ospital sa buong bansa.
Nitong umaga lamang umabot na sa 262 ang bilang ng mga revelry-related injuries kung saan 253 dito ay naputukan ng firecrackers, isa ang nakalunok ng pulbora habang lumobo na sa walo ang biktima ng ligaw na bala.
Sa naturang bilang 164 dito ang nabiktima ng piccolo na nasa 65 porsiyento.
Samantala, may isang otso anyos na bata sa Cebu ang na nawalan ng kanyang kanang kamay matapos masabugan ng rebentador.
Habang may isa namang 40 anyos na babae sa Quezon City ang kauna-unahang babae na biktima ng ligaw na bala.
0 comments:
Post a Comment