Sa tala ng DOH hanggang alas-sais ngayong umaga umabot na sa 198 katao ang bilang ng mga naitalang biktima ng paputok, tatlong araw bago ang pagsalubong sa bagong taon, kung saan 192 dito ay nasugatan ng paputok, isa ang nakalunok ng pulbora, at lima ang biktima ng stray bullet. Ang pinakamarami sa mga biktima ay dahil sa piccolo na umabot sa 119.
Nanawagan naman ang Department of Health sa Philippine National Police na paigtingin pa ang crackdown laban sa mga iligal na paputok, sa harap nang patuloy na tumataas na bilang ng mga firecracker-related injuries.
0 comments:
Post a Comment