LA CARLOTA CITY - Dismayado ang lahat na mga nanonood ng Opening Light o Christmas Festival of Lights and Music 2013 kagabi sa lungsod ng La Carlota. Sabi ng mga nanonood, hindi sila masaya at boring pa raw ang palabas, at inaasahan pa naman nila ang Fireworks Display na hindi naman na nasaksihan ng lahat.
Una ng sinabi ni Mayor Juliet Ferrer na hindi masyadong magara ang kanilang Christmas Festival ngayong taon kumpara noong nakaraang taon na masyadong bonggalo ang naturang Chistmas Light na napalibot sa Public Plaza, dahil na din sa mga nangyari ngayon sa ating bansa. Imbes na makisaya tayo at magastos ng malaki ay dapat nating isipin ang mga biktima ni Yolanda na nangangailangan ng ating tulong.
0 comments:
Post a Comment