Ang Simbang Gabi ay isang kinaugaliang pagdaraos ng Santa Misa sa
Pilipinas tuwing panahon ng Kapaskuhan. Tinatawag din itong
Misa-de-Galyo (mula sa Kastilang Misa de Gallo, o "Misa ng Tandang",
sapagkat sa pagtilaok ng lalaking manok, magsisibangon na ang mga
mag-anak para makinig ng misa sa pinakamalapit na simbahang pamparokya.
Ang Misa Aginaldo naman ay (mula sa Kastilang Misa de Aguinaldo, o "Misa
ng mga handog, alay o regalo"). Ang Misa-de-Notse, o ( "misa sa
gabi").
Isa itong misang idinaraos bawat madaling araw
sa loob ng siyam na araw bago sumapit ang araw ng Pasko. Nagsisimula ang
pagmimisa tuwing ika-16 ng Disyembre hanggang ika-24 ng Disyembre, na
kadalasang sinasagawa sa mga Romano Katolikong simbahan sa Pilipinas
tuwing ikaapat hanggang ikalima ng umaga.
Ang misa sa
madaling araw na ito isa sa pinakamatagal na at pinakabantog na
tradisyong Pilipino. Nagsisilbi rin ang misa bilang isang nobena para sa
Birheng Maria. Bukod dito, nagsisilbi ring pagkakataon ang pagnonobena
upang idalangin ang mga kahilingang nakatuon kay Hesukristo, kaugnay ng
paniniwalang matutupad ang hinihingi kapag nakumpleto ang siyam na misa
sa madaling-araw. Sa ibang pagkakataon, isinasagawa ring kasama ng
Simbang Gabi ang panuluyan, partikular na sa pinakahuling misa, ang
tunay na Misa Aginaldo o Misa-de-Galyo.
0 comments:
Post a Comment