Pinangangambahan ngayon ang umano'y nagkalat na mga buwaya sa anim na mga bayan sa lalawigan ng Agusan del Sur na nagmula sa umapaw na Agusan Marsh dahil sa pagbaha dulot ng ilang araw ng pag-ulan.
Ayon kay Bunawan, Agusan Del Sur Mayor Edwin "Cox" Elorde, aabot sa 56,000 ektarya ang area na cover ng marshland na mula sa bayan ng La Paz, Loreto, San Francisco, Rosario, Talacogon hanggang sa Bunawan.
Napag-alamang sa nasabing bayan nakuha ang pinakamalaking buwaya sa buong mundo at doon din nakita ang isa pa na mas malaki pa umano kaysa sa namatay na si "Lolong."
Dagdag pa ng opisyal, isang higanteng anaconda naman ang nakita ng mga residente ng Brgy. Nueva Era na sinlaki umano ng galon ng mineral water na ikakabit sa water dispenser ngunit hindi nila ito dinisturbo dahil sa takot na posibleng mag-amok pa ito at gambalain sila.
Inihayag pa ng mga residente na bago ang pagbaha ay napansin na nila sa paligid ng Brgy. Nueva Era ang malakas na huni ng ahas na posibleng senyales na naisturbo na ito dahil sa pagtaas ng tubig-baha.
0 comments:
Post a Comment