Nakalabas na sa landmass ang sentro ng Low Pressure Area o LPA na naghatid ng matinding ulan at baha sa Visayas at Mindanao.
Pero mananatili pa rin ang maulang panahon sa central at southern section ng ating bansa dahil sa malawak nitong kaulapan.
Huling namataan ang LPA sa layong 245 kilometro sa timog silangan ng Borongan, Eastern Samar.
Patuloy na maaapektuhan ng namumuong sama ng panahon ang Eastern at Central Visayas, CARAGA, Northern Mindanao at Davao region.
Maging ang CALABARZON, MIMAROPA at western Visayas ay inaabisuhan din kaugnay ng inaasahang mga pagbuhos ng ulan.
Dahil sa pagbabalik ng LPA sa dagat, tinatayang lalo pa itong lalakas at magiging isang bagyo sa kategorya ng Pagasa.
0 comments:
Post a Comment