Sa latest report ng PRC o Philippine Red Cross as of 2:00PM, umaabot sa 366 mga pasyente na pawang mga deboto ng Nazareno ang kanilang nabigyan ng tulong medikal.
Kabilang na sa mga ito ang 135 na mga deboto na isinailalim sa blood pressure checkup, 227 na nagkaroon ng minor injuries habang nasa 4 naman ang isinugod sa ospital.
Karamihan sa mga naging pasyenteng naitala ng ahensya ay nahirapang huminga habang ang ilan naman ay tumaas ang blood pressure.
0 comments:
Post a Comment