Sa kanyang Winning Speech kanina, wala pa raw masabi ang 47-year-old pero labis itong nagpapasalamat sa mga bumoto sa kanya at naniwala sa kanyang talento mapa-kababayang Pinoy man o mga taga-Israel. Ang Pinay caregiver ang umani ng pinakamaraming boto mula sa mga viewers ng show kung saan tinalo nito ang tatlo pang foreign finalists na kanyang naka-showdown sa final four.
"I cannot say anything. Thank you so much for those people who vote on me and believes in me. Thank you so much to all the Israeli who likes my voice and my song," ang bahagi ng naiiyak na pahayag ni Fostanes matapos ang announcement of winner.
Magandang birthday gift rin ito para kay Fostanes kung saan nagdiwang ito ng kanyang kaarawan noong January 2, na hindi kapiling ang kanyang pamilya na nasa Pilipinas. Una ng umapela si Fostanes na sana ay tulungan siya na maabot ang kanyang pangarap na makilala sa buong mundo at maiahon sa hirap ang kanyang pamilya.
Una rito, alas-9:00 ng gabi sa Israel o alas-3:00 naman ng madaling araw kanina oras sa Pilipinas nang magsimula ang nasabing singing contest. Pero ilang oras bago ang grand finals, kalmado lamang kanina ang pambato ng Pilipinas dahil sa presensya ng kanyang ate at long term girlfriend.
Pinay Caregiver Rose "Osang" Fostanes Grand Final Winner X Factor Israel sings "My Way".
0 comments:
Post a Comment