Ayon sa Department of Health, tatagal pa hanggang sa summer ang outbreak ng tigdas sa ating bansa, sa kabila ng kanilang massive vaccination drive para sa inisyal na 12 million kabataan.
Sinasabi sa pag-aaral na ang peak ng measles ay sa pagpasok ng tag-init, kung saan mas mabilis ang development ng nasabing virus.
Sa latest information ng DOH, umaabot na sa 1,724 confirmed cases nationwide.
Maging ang World Health Organization o WHO ay nakaantabay din sa sitwasyon ng measles outbreak sa Pilipinas, matapos makahawa ang isang Pinoy sa ilang mananayaw ng New Zealand at Australia.
0 comments:
Post a Comment