Usap-usapan sa Brazil ang nangyari sa 84-years old na matandang babae na nakitaan ng 44 taon nang fetus sa kaniyang sinapupunan.
Nakaranas ng matinding pananakit ng tiyan ang hindi pinangalanang babae, sanhi upang isugod ito sa ospital.
Nang isailalim sa ultrasound, nakita ang mukha, buto ng kamay at paa, ribs at spine ng fetus. Ang fetus ay posible umanong namatay sa pagitan ng 20 hanggang 28 linggo na ang nakaraan.
Ayon sa babae, nabuntis siya 40 taon na ang nakaraan.
Sumakit ang kaniyang sinapupunan at tumungo ito sa isang hilot kung saan siya binigyan ng gamot.
Matapos inumin ang gamot, hindi na lumaki ang kaniyang sinapupunan at hindi na rin gumalaw ang bata kaya inakala niyang nalaglag ito.
Sa paliwanag ng mga eksperto, ang naturang phenomenon ay tinatawag na lithopedion kung saan lumaki ang fetus at namatay sa labas ng matris.
Kapag hindi ito nailabas ng katawan, ang patay na fetus ay mababalot ng calcium bilang proteksyon na nagreresulta sa tinatawag na "stone baby".
Ayaw naman ng nasabing babae na ipatanggal ang patay na fetus sa kaniyang sinapupunan.
0 comments:
Post a Comment