Nabili na ng social giant na Facebook ang messaging service na WhatsApp.
Ito'y bunsod ng layunin ng Facebook na dominahin ang messaging sa smartphones at maging sa web.
Ang WhatsApp ay mayroon ngayong 450 million users at milyong user ang nadadagdag bawat araw.
Sinabi ni Facebook CEO Mark Zuckerberg na walang kompaniya ang nakagawa kagaya ng paglago ng WhatsApp.
Batay sa OnDevice Research, ang WhatsApp ang pinaka-popular na messaging application para sa smartphones.
Ang pagbili ng Facebook sa WhatsApp ay lalo lang umano magpapalakas sa posisyon nito sa messaging world.
Napag-alaman na ang Messenger ng Facebook ay pumapangalawa sa WhatsApp sa share ng customers sa smartphone market.
Sinabi ni Zuckerberg, sa ngayon hindi nila prayoridad ang kumita sa pamamagitan ng WhatsApp, sa halip nakatutok sila sa lalo pang paglago nito.
Kaniya na lang umano palalaguin ang revenue ng WhatsApp kapag umabot na ito ng bilyong users.
0 comments:
Post a Comment