BACOLOD CITY - Nasa lungsod ng Bacolod ngayon ang Team ng Asia Pacific Economic Cooperation o APEC National Organizing Committee.
Ang team ay dumating kagabi para sa inspection sa bid ng Bacolod na isa sa magiging venue na mag-host ng ministerial meeting sa 2015 APEC Summit.
Sa kanilang pagdating ay agad na nagsagawa ng inspection ang team sa ilang hotels at mga facilities sa Bacolod.
Ngayong araw ay ipagpapatuloy ng team ang pagsisiyasat sa mga lugar na maaaring lagyan ng pagtitipon.
Kaugnay nito, todo alerto ang pulisya sa lungsod para sa seguridad ng mga panauhin.
Maliban sa seguridad ay binabantayan din ng pulisya ang daloy ng trapiko upang hindi maantalana ang itinerary ng inspection team.
0 comments:
Post a Comment