Ang 12-anyos na Pinay contender ang pinakaunang natanggal sa apat na mga finalist na nag-showdown sa finals ng reality singing competition. Ito'y kasunod ng rendition ni Manaog sa "Wrecking Ball" ni Miley Cyrus. Ang paghirang sa winner ay sa pamamagitan ng text votes ng mga viewers ng show.
Si Manaog ang pinakabata sa mga finalist at nahasa raw ang kaniyang talento sa pag-awit dahil sa hilig niyang mag-karaoke. Kahit hindi nanalo, makakasama pa rin si Manaog sa concert tour ng The Voice Kids finalists sa iba't-ibang bahagi ng Netherlands.
Pangarap din ni Manaog na makapag-perform sa kaniyang mga kababayan sa Pilipinas.
0 comments:
Post a Comment