
Batay sa CCTV footages na inilabas ng NBI mula sa condominium unit sa Bonifacio Global City, lumalabas na mas higit pa umano sa magkaibigan ang relasyon nina Cornejo at Lee dahil sa kitang-kita ang halikan ng dalawa. Kabilang kasi sa kopya ng CCTV ang unang pagkikita nina Cornejo at Navarro noong Enero 17 kung saan ay naganap umano ang oral sex matapos na sinundo ng dalaga ang aktor sa lobby at magkasabay silang sumakay sa elevator dakong alas-10:30 ng gabi na tumagal ng nasa dalawang oras.
Sumunod namang tagpo ay dumating ang grupo ni Lee pagkalipas ng isang oras. Sa dagdag na kopya naman ng CCTV noong Enero 22, makikita sa footage mula rin sa elevator na dumating ang kapatid ni Lee na si Bernice Lee na may kasamang dalawang lalaki bandang alas-9:30 ng gabi bago pa man dumating si Navarro.
Kaugnay nito, lumalabas na mula sa oras na alas-10:38 ng gabi sa pagdating ni Navarro ay doon nangyari ang pambugbugbog sa aktor hanggang sa natapos ng alas-11:00 ng gabi. Sa hiwalay na kopya ng video na hawak ng NBI sa petsang Enero 23, bago mag-alas 2:00 ng madaling araw bumalik ang grupo ni Cedric sa unit kasunod nang pagpa-blotter sa pulisya ni Navarro.
Makikita sa video na mistulang masaya pa ang grupo sa nangyari. Sa pahayag naman ni Atty. Alma Malonga, ito na ang magpapatibay sa ebidensiyang hawak nila upang mabigyan ng hustisya ang aktor.
Minaliit lamang ng kampo ni Cedric ang panibagong CCTV footage na inilabas ng NBI. Sa naturang video makikita na hinahalikan ni Lee si Cornejo sa elevator nang bumalik ang mga ito sa condo matapos na ipina-blotter si Navarro.
Ayon sa tagapagsalita ni Lee na si Atty. Raymond Fortun, kung tingnan ang CCTV footage ay hindi raw gusto ni Deniece na halikan ito ni Lee. Hindi rin aniya isyu ang video at sa pagkakilala niya kina Lee at Cornejo, hindi naman ang mga ito malapit sa isa't-isa. Inalmahan din ni Fortun ang paggamit ng ilang mga netizens ng salitang "passionate" upang ilarawan ang halikan nina Lee at Cornejo.
Ayon pa kay Fortun, hindi makakaapekto sa kaso ang CCTV footage sabay giit na magkaibigan lang ang dalawa.
Samantala, tuloy naman mamayang hapon ang preliminary investigation sa kaso matapos na hindi pagbigyan ng panel of prosecutors na may hawak ng kaso ang hirit ni Cornejo na ipagpaliban ang unang araw ng pagdinig.
0 comments:
Post a Comment