Isa sa mga hinangaang figure skater at nag-iwan ng malaking paghanga sa katatapos na preliminary round ng Winter Games sa Sochi, Russia ay ang pambato ng Pilipinas na si Michael Christian Martinez.
Nagtala ngayon ng kasaysayan si Filipino figure Skater Michael Christian Martinez matapos ma-qualify sa medal round sa nagpapatuloy na 2014 Winter Olympics sa bansang Russia.
Sa lahat ng 30 kalahok, si Martinez ang pinakabata sa kaniyang edad na 17.
Umani ng papuri ang naging performance ni Martinez makaraang maitala nito ang kaniyang season's best sa iskor na 64.81.
Nagsigawan at nagpalakpaklan ang mga manunuod sa halos perfect execution ng kaniyang piyesa hango sa eksena sa 1968 film soundtrack na Romeo and Juliet.
Hinangaan din ng mga commentators ang galing ng Muntilupa City native na ayon sa kanila malayo ang mararating ng Pinoy skater.
Lalaban si Martinez para sa free program o ang medal round mamayang gabi.
0 comments:
Post a Comment