Pursigido pa rin umano ang Federacion Internationale de Football Association o FIFA, ang football international body na gawin sa Curitiba, Brazil ang susunod na World Cup, ito ay kabila nang pagkaka-antala ng mga "infrastructure projects."
Ayon kay FIFA Secretary General Jerome Valcke, tiwala umano sila na matatapos bago ang May 15 ang pagpapatayo ng stadium na siyang gagamitin sa torneo.
Maliban sa Curitiba, nagkaroon din ng delay ang pagpapatayo sa iba pang match venues sa Sao Paulo. Nagkakaroon din umano ng problema sa deadline para sa mga transportation projects sa iba pang lungsod na siyang magsisilbing host ng mga laro.
Napag-alaman na apat na mga laro ang nakatakdang gagawin sa Curitiba Stadium, kabilang ang June 16 match ng Iran vs. Nigeria; Honduras vs. Ecuador sa June 20; Australia vs. Spain sa June 23 at Algeria vs. Russia sa June 26.
0 comments:
Post a Comment