Mag-iisang taon mula nang maluklok bilang kapalit ni Pope Emeritus Benedict XVI, nananatiling simple at mayroong kababaan ng loob si Pope Francis.
Ito'y matapos piliin ng Santo Papa na i-renew ang kanyang Argentine passport at national identity card, sa kabila ng pagkakaroon niya ng Vatican passport na nagbibigay sa kanya ng pribilehiyo para sa isang head of state.
Nangangahulugan ito na nais ng Santo Papa na bumiyahe sa mga bansa bilang isang regular na Argentine citizen.
Sa pahayag ni Argentine ambassador to the Holy See Juan Pablo Cafiero, tinanggihan ng Mahal na Papa ang pribilehiyo at nagpilit pa itong personal na magbayad ng kanyang passport at national identity card.
Nabatid na otomatiko ang Vatican citizenship sa sinumang nahahalal na Santo Papa.
Si Francis ay binansagan bilang modernong Santo Papa ng mundo.
0 comments:
Post a Comment