Suportado ng Pangulong Noynoy Aquino ang desisyon ng Korte Suprema na nagsasabing sang-ayon sa Saligang Batas ang Cyber Libel na nakapaloob sa Cyber Crime Prevention Law.
Sa harap ito ng pangamba ng ilang online journalists, netizens, bloggers na mahilig magkomento sa Twitter at Facebook dahil daw sa pagsupil sa karapatan sa pamamahayag.
Sinabi ni Pangulong Aquino na hindi naman nito layuning sikilin ang karapatan sa pamamahayag kundi regulasyon upang maiwasan ang pag-abuso.
Ayon kay Pangulong Aquino, ang bawat karapatan naman ay may kaakibat na responsibilidad sa proteksyon sa karapatan ng iba.
Unfair din daw sa mga taga-mainstream media na saklaw ng Libel Law pero may exempted na galing sa hanay ng new media o sa online journalism.
0 comments:
Post a Comment