Tiniyak ni trainer Freddie Roach na kakainin ni WBO Welterweight Champion Timothy Bradley ang mga patutsada nito laban kay 8-Division World Champion Manny Pacquiao sa oras na maghaharap ang mga ito sa ibabaw ng ring.
Ayon kay Roach, bagama't kilalang "Boxer and Mover" ang American Undefeated Fighter, pero kapag muli nitong matikman ang mga suntok ng Pinoy Ring Icon, tiyak aniya'y magbabago ang diskarte nito.
Una nang sinabi ni Bradley na nawala na umano ang "Killer Instinct" ni Pacquiao.
Sa panig ni Conditioning Coach Justin Fortune, sinabi rin nito na kanilang ibabalik ang dating bilis at lakas ng Pinoy Boxing Champion kagaya ng dating galing nito. Gagamiting motibasyon ang pahayag ni WBO Welterweight Champion Timothy Bradley na nawawala na ang killer instinct ni Manny Pacquiao.
Ayon kay Fortune, kung iyon umano ang gustong makita ni Bradley kay Pacquaio ay ibibigay nila ito. Dagdag pa ni Fortune, noong magkakasama sila nina Pacquiao at trainer Freddie Roach ay nasa winning form sila.
Matatandaang kasama sa Team Pacman si Fortune hanggang noong 2007 bago siya sibakin ni Roach at ipinalit si Alex Ariza.
Sa huling leg ng promo tour ni Pacquiao sa New York kanya na ring tiniyak na makikita ni Bradley ang hinahanap nitong killer instinct sa kanilang magaganap na rematch.
Ang Pacquiao-Bradley 2 ay gagawin sa April 13 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
0 comments:
Post a Comment