Ngayong araw, sinimulan na ni Filipino Ring Icon Manny Pacquiao ang kaniyang light training bilang paghahanda sa inaabangang rematch nila ni WBO Welterweight Champion Timothy Bradley sa Abril 13 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Sasabak sa ensayo si Manny sa MP Tower Gym sa Sampaloc, Maynila para umano mabawasan ang kaunting taba sa katawan nito, matapos ang mahigit isang linggong pahinga dahil sa isinagawang press tour sa Amerika.
Mananatili umano ng ilang araw sa Metro Manila si Pacquiao para gampanan ang trabaho nito bilang kinatawan ng Sarangani Province sa Kongreso, bago uuwi ng General Santos kung saan nakatalaga ang kaniyang training camp.
Batay sa plano ni chief trainer Freddie Roach, nais nitong lumipat ng ensayo si Pacquiao sa Wild Card Gym sa Los Angeles sa March 1, para matutukan nito nang husto ang kaniyang training regimen.
0 comments:
Post a Comment