Subalit sa inilabas na resolusyon ng SC en banc, binigyang diin ni SC spokesman Atty. Theodore Te, na ang Online Libel ay para lamang sa orihinal na author o nag-post ng mapanirang artikulo.
Pero "unconstitutional" o hindi dapat kasuhan ang "mag-like" lamang o ang mag-post ng komento sa orihinal na post o artikulo.
Idineklara naman ng Korte Suprema na unconstitutional o labag sa Saligang Batas ay ang mga sumusunod:
Section 4-c-3 na nagpapataw ng parusa sa mga unsolicited commercial communications; Section 12 na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga otoridad na kumolekta o mag-record ng traffic data in real time; Section 19 na nagbibigay ng kapangyarihan sa DOJ na maghigpit o mag-block ng access sa computer data na natuklasang lumalabag sa probisyon ng Cybercrime Law.
Constitutional naman ang bahagi ng Section 5 na nagpaparusa sa mga tumutulong at nagtatangka na makagawa ng paglabag sa Cybercrime Law, partikular na ang may kinalaman sa illegal access, illegal interception, data interference, system interference, misuse of devices, cyber squatting, computer-related fraud, computer-related identity theft at cybersex, pero "unconstitutional" naman ang bahagi ng probisyon na may kinalaman sa child pornography, unsolicited commercial communications at online libel.
Ang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa Cybercrime Law ay sinulat ni Associate Justice Roberto Abad. Kabilang sa mga naging petisyuner na tutol sa pagpasa ng naturang batas ay ang National Press Club, National Union Journalist of the Philippines, Bayan Muna at iba pa.
0 comments:
Post a Comment