Kabilang umano ang isa sa mga dating nakalaban ni Reigning WBO Welterweight Champion Timothy Bradley sa napipisil ngayon bilang isa sa mga sparring partners ni 8-Division World Champion Manny Pacquiao sa kaniyang paghahanda sa rematch nila ng Undefeated American boxer.
Ayon kay Adviser Michael Koncz, all-set na ang training plans ni Pacquiao sa Wild Card Boxing Club sa Hollywood at ang mga naka-linyang sparring partners nito.
Partikular na binanggit ng opisyal si Kendall Holt na dalawang beses pinabagsak si Bradley sa kanilang laban noong 2009.
Ang 32-anyos na si Holt ay may 28-6 na win-loss card, kabilang ang 15 knockouts.
Pero sa kabila ng dalawang knockdowns, nagawa pa rin ni Bradley na maipanalo ang laban sa pamamagitan ng scorecards.
Sa ngayon ay hindi pa tiyak ni Koncz kung kailan ang eksaktong petsa ng pagtungo ni Manny sa Amerika pero inaasahan umanong mapa-plansta na ito sa susunod na linggo.
Aniya, nakatakda rin umano siyang makipag-pulong kay trainer Freddie Roach para maayos na ang timetable ng Filipino Ring Icon.
0 comments:
Post a Comment