Pormal nang inanunsiyo ang gagawing rematch nina dating 8 Division World Champion Manny Pacquiao at WBO Welterweight Champion Timothy Bradley Jr. Sa katatapos na promotional tour sa Beverly Hills sa California, nangako ang dalawang boksingero ng isang magandang laban.
Ayon sa Filipino Boxing Icon, isa umanong agresibo at mas Batang Pacquiao ang masasaksihan sa kanilang laban ni Bradley.
Sinabi naman ni Bradley, bagama't wala umano naniniwala sa kaniyang unang panalo, titiyakin nito sa muli nilang paghaharap ni Pacman ang malinaw na tagumpay.
Ang Bradley-Pacquiao rematch ay gagawin sa April 13 sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada.
0 comments:
Post a Comment