Sa loob ng dalawang linggo matapos ang matinding pambubugbog kay Ferdinand "Vhong" Navarro, nakalabas na ng ospital ang TV host/actor. Mula sa St. Luke's Medical City, patungo ang convoy ni Vhong sa Department of Justice para umano panumpaan ang kanyang salaysay.
Pinagkaguluhan din ito pagkalabas sa ospital pero agad isinakay sa van at nagpasalamat lang sa mga sumusuporta sa kanya.
Noong nakaraang linggo nang sumailalim sa reconstructive surgery ang 37-year-old TV host matapos mabasag ang ilong nito dahil sa tinamong bugbog sa grupo ng negosyanteng si Cedric Lee.
Dumaan din si Navarro sa post-traumatic stress therapy.
Una ng iniulat ng kanyang talent manager na si Chito Rono na isang buwan munang mawawala sa kinabibilangang noontime show si Vhong matapos January 22 incident.
Nabatid na anim na kaso ang isinampa ng kampo ng aktor laban sa panig ni Lee kabilang ang serious physical injuries, grave threat, grave coercion, illegal detention, unlawful arrest, at blackmail.
Sa inilabas na CCTV footage ng National Bureau of Investigation o NBI mula sa lobby at elevator ng condominium sa Taguig, pawang tugma ang mga detalye na isinawalat ni Vhong Navarro partikular ang walang nangyaring rape sa model/actress na si Deniece Cornejo.
Hindi rin sira ang telebisyon ni Cornejo, taliwas sa pahayag ni Lee na kabilang ito sa hinihingi nilang malaking halaga ng cash kay Navarro bilang kabayaran umano nito.
Tiniyak ngayon ni TV host-actor Vhong Navarro na tuloy ang kaniyang laban para mabigyan ng hustisya ang sinapit nito sa nangyaring pambubugbog sa kaniya ng grupo ni Cedric Lee noong gabi ng Enero 22 sa condominium unit ni Deniece Cornejo sa Taguig City.
Sa pagharap ni Navarro sa mga media, inihayag ng kaniyang abogado na si Atty. Alma Mallonga na hindi naging biro ang nangyari sa buhay ng kaniyang kliyente.
Kasabay ito ng pagtungo ni Navarro sa DoJ para panumpaan ang kaniyang salaysay matapos ang isinagawang interogasyon ng NBI kamakailan matapos ang nangyaring insidente. Napag-alaman na ang affidavit ni Navarro na may petsang Pebrero 4, 2014. Kanina ay nakalabas ng St. Luke's Medical Center ang 37-year-old actor matapos ang higit sa dalawang linggo na pananatili nito sa ospital at dumiretso ng lungsod ng Maynila sa DOJ Office.
Naka-eyeglasses ito at nakasuot ng long sleeve.
Wala na ring plaster ang kanyang ilong na una nang isinailalim sa operasyon.
Unti-unti na ring naghihilom ang blackeye niya sa dalawang mata.
0 comments:
Post a Comment