Ikinagalit ng Chinese Community ang pagkukumpara ng Pangulong Noynoy Aquino sa China kay Adolf Hitler hinggil sa pambubully nito sa West Philippine Sea.
Inaantabayanan pa ngayon ang pahayag ng Chinese Foreign Ministry pero naglabas ng maanghang na komentaryo laban kay Pangulong Aquino ang Xinhua News Agency na pag-aari ng Chinese government.
Sa nasabing pahayag, tinawag nitong Amateur na pulitiko ang Pangulong Aquino na ignorante raw sa kasaysayan at realidad.
Wala daw basehan ang nasabing pagkukumpara kasabay ng paninindigang lehitimo ang claim ng China sa West Philippine Sea.
Una ng nilinaw ng Malacanang na hindi intensyon ng Pangulong Aquino na masaktan o magalit ang China kaugnay sa pag-ungkat sa Nazi Germany bilang paghahambing sa sitwasyon ngayon sa ginagawa ng China sa mga pinagtatalunang isla.
0 comments:
Post a Comment