LA CASTELLANA- Patay ang dalawang membro ng Revolutionary Proletarian Army- Alex Boncayao Brigade o RPA-ABB matapos pinagbabaril ang mga ito.
Nakilala ang mga namatay na sina Lenmar Pat, 34-yrs.old at Jomar Torichilia, 33–yrs.old pawang residente ng Hda. Angelita, Brgy. Sag-ang, bayan ng La Castellana.
Nangyari ang insidente dakung 2:30 kaninang umaga sa nasabing lugar kung saan nakilala ang suspetsado na si Carlo Apostol, isang watchman sa nasabing hacienda.
Base sa imbestigasyon ng La Castellana Police, inayaya ng suspetsado na si Apostol ang dalawa na mag-inuman dahil na kaarawan nito.
Sa sobrang kalasingan ang mga biktima ito ang kanyang pinagbabaril habang natutulog ang dalawa.
At large ngayon ang suspetsado matapos ginawa ang krimen dala ang baril ng dalawang biktima.
0 comments:
Post a Comment