Deklarang dead on arrival sa pagamutan ang isang Ginang matapos nagbigti.
Kinilala ang biktima na si Judith Traza, 25, ng Brgy. Felisa, Bacolod City ngunit tubong Tigbauan, Iloilo.
Ito ay natagpuan ng kaniyang walong taong gulang na pamangkin na nakabitin sa bubungan ng kanilang bahay kahapon ng hapon gamit ang lubid. Napag-alaman na nagkulong ang biktima sa bahay kung saan maging ang apat na taong gulang nitong anak ay umiiyak sa labas dahil nagugutom ngunit hindi makapasok sa kanilang bahay. Pinaniniwalaan na ang dahilan sa pagpatiwakal ng biktama ay ang kanyang sakit.
Ayon sa bayaw ng biktima, inamin ng biktima na may relasyon ito sa lalaki na kanyang kasama sa tinatrabahuang burger house.
Sinasabi na may sakit ang naturang lalaki dahil maging ang live-in partner ng biktima nito ay nakaranas na ng pagsakit ng kanyang puson at hindi makaihi.
Maging ang biktima ay nagkaroon naman ng infection dahil sa pakikipagrelasyon sa ibang lalaki.
0 comments:
Post a Comment