BACOLOD CITY - Patuloy hanggang ngayon na hinahanap ng Bacolod City Police Office ang live-in partner na sina alias Partial at alias Tata na alegar kumuha ng P25,000 mula kay Walter Aquino, 48-anyos, risedente ng Hda. Carmelo, Brgy. Santo Niño, EB Magalona, isang magsasaka.
Ayon kay Aquino, habang siya ay naglalakad sa Bacolod Public Plaza ng biglang siyang nilapitan ni alias Tata at tinanyagan ng mag-sex ngunit ito ay kanyang tinanggihan. Ngunit bigla nalang dinukot at hinila ng babae ang kanyang ari at agad kinuha ang P25,000 nito sa kanyang bulsa at binigay kay alias Partial na agad naman lumayo sa kanila.
Ngayon hawak na ng kapulisan ang barker sa plaza na alegar binigyan ng balato ng mga suspetsado.
0 comments:
Post a Comment