Nasa kustodiya na ng pulisya sa Singapore ang isang lalaki na kanilang naaresto matapos umanong maghubad habang nakasakay sa loob ng MRT train sa nasabing bansa.
Ang suspek na sinasabing 32-anyos na Singaporean ay dinakip dahil sa malaswang gawain sa harap ng publiko.
Sumakay umano ito mula sa bayan ng Bukit Batok at patungo sa Khatib station nang biglang maghubad sa gitna ng biyahe.
Ayon sa pamunuan ng SMRT, isa sa mga pasahero ang pumindot sa emergency communication button at isa sa mga staff ang mabilis na nag-inspeksyon sa tren.
Sa ngayon ay kumakalat sa internet ang nude picture ng suspek na nakahiga pa sa loob ng MRT train.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.
0 comments:
Post a Comment