Ayon sa ulat ng Pagasa, nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility ang Low Pressure Area na unang namataan sa silangan ng ating bansa.
Huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 750 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Inaasahan itong makakaapekto sa Visayas at Mindanao sa susunod na 36 hanggang 48 oras.
Ngayong araw ay inaasahang magiging maulap ang Eastern at Central Visayas, kasama na ang ibang bahagi ng Mindanao.
Ang mga residente sa naturang mga lugar ay pinapayuhang manatiling alerto sa mga biglaang buhos ng ulan, lalo na ang nasa low lying areas.
0 comments:
Post a Comment