BACOLOD CITY - Hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala si SPO1 Eric Lisbo, ang imbestigador ng Bacolod Police Station 1 na siya ay nakapasa sa 2013 Bar Examinations matapos na ilabas kahapon ng Supreme Court Public Information Office ang buong resulta.
Ayon kay SPO1 Lisbo, hindi niya inaasahan na makakasama siya sa mga nakapasa matapos na hindi siya nakapasa sa unang Bar Exam noong taong 2011. Plano niya mananatili pa rin siya bilang kasapi ng Philippines National Police. Naniniwala si SPO1 Lisbo na maging epektibo pa rin siya sa pagbigay ng serbisyo sa publiko bilang isang pulis, pareho lamang ang trabaho ng pulis at bilang isang abogado.
Inamin din ni SPO1 Lisbo na bilang isang ama sa kanyang apat na mga anak at nag-aaral na pulis sa College of Law sa University of Negros Occidental o UNO-R, mahirap para sa kanya ang lahat ngunit hindi dahil sa time management, determinasyon, pagtitiwala sa Diyos at inspirasyon na binibigay ng kanyang pamilya at suporta ng buong kasamahan nito na mga pulis, ito ay kanyang nalampasan ang lahat na mga pagsubok.
0 comments:
Post a Comment