Genesis Servania, napanatili ang kaniyang Undefeated Record at WBO International Super Bantamweight Belt matapos talunin si 2-Time World Champion Alexander Muñoz ng Venezuela.
Pinabagsak ng Pinoy Boxer si Muñoz sa second at sa 9rounds bago nagtapos ang laban sa impresibong panalo.
Dahil dito, hawak ni Servania ang 24-0 record, kung saan ang 10 rito ay sa pamamagitan ng knockouts.
Habang si Muñoz naman ay may 36 wins at 6-losses.
Samantala, sa undercard naman ay napanatili rin ni Arthur Villanueva ang pagiging undefeated, makaraang talunin si Fernando Aguilar ng Mexico.
Hawak na ni Villanueva ang malinis na 25-0 record, kung saan 14 sa mga ito ay may magandang knockout.
Mistulang nabitin naman ang mga tagahanga ni Albert Pagara matapos na agad nitong pabagsakin ang kalabang si Isaak Junior ng Indonesia sa 1st round pa lang ng laban.
Ayon kay Pagara, pinag-aralan niya ng husto ang laro ng katunggali kaya nahulaan na halos niya na hindi magtatagal ang sagupaan.
0 comments:
Post a Comment