Nagtapos na walang puntos ang friendly match ng Philippine football team Azkals at Malaysia kagabi.
Ito ang unang laban na hinawakan ng bagong coach ng Azkals na si Thomas Dooley ang kuponan mula sa dating pagmamando ni Hans Michael Weiss.
Malungkot naman ang ilang fans ng football sa Pilipinas matapos hindi makapaglaro sa unang international game ngayong taon ang superstars ng national team.
Kabilang sa bigong makasali sa laro sina starting goal keeper at Fil-British Neil Etheridge, Paul Mulders at Azkals striker Chieffy Caligdong. Ito na ang pang-16 na paghaharap ng dalawang koponan. Sa huling dalawang laban ng Azkals at Malaysia ay nauwi sa 1-1 at sinundan ng scoreless draw noong 2012.
Magpapahinga lamang ang Philippine team bago didiretso ng United Arab Emirates para sa isa pang international match kontra Azerbaijan.
0 comments:
Post a Comment