Ayon sa PAGASA ang susunod na sama ng panahon ay maaaring tumama sa Eastern Visayas at posibleng maapektuhan ng susunod na bagyo ang mga lugar na dati nang tinamaan ng Super Typhoon Yolanda.
Pero nilinaw ng Pagasa na malayo pa ito at maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa susunod na linggo.
Sa ngayon ay Eastern Visayas ang tinutumbok ng nasabing Weather Disturbance Formation ngunit maaari pa umanong magbago sa mga susunod na araw.
Kung papasok sa teritoryo ng Pilipinas ay tatawagin itong "Bagyong Caloy" na magiging ikatlong sama ng panahon para sa taong 2014.
Ngayong araw ay magiging makulimlim ang Visayas at Northern Mindanao dahil sa easterly wind na nagmumula sa silangang bahagi ng ating bansa.
0 comments:
Post a Comment