Sinimulan na ng Philippine National Basketball Team ang ensayo limang buwan bago ang pagsisimula ng 2014 FIBA World Cup of Basketball na gagawin sa bansang Spain.
Sa unang ensayo ng koponan kagabi sa Philsports Arena, inabot ito ng dalawang oras.
Ayon kay national team head coach Chot Reyes, nagsimula ang training ng Gilas Pilipinas sa panunuod ng kanilang documentary at saka sumalang sa ilang basketball drills na naglalayong malimitahan ang turnovers.
Naging bukas din sa publiko ang unang practice ng koponan matapos marami ang humiling na makita at masaksasihan ang unang araw ng ensayo ng national team.
Sinabi ni Reyes, gagawin ang training tuwing Lunes upang may pagkakataon pa ang mga players na makasama ang kani-kanilang mother ballclubs sa Philippine Basketball Association o PBA.
Napabilang ang Pilipinas sa Group B ng FIBA World, kung saan kailangan nilang makakuha ng dalawang panalo para maka-usad sa next round.
Makakalaban ng Philippine team ang mga koponan mula Senegal, Puerto Rico, Greece, Croatia at dating Olympic gold medalist Argentina.
0 comments:
Post a Comment