Wagi ang pinoy sa 86th Oscar Awards matapos itinanghal na Best Original Song ang "Let It Go" na gawa nina Robert at Christine Anderson Lopez. Ang "Let It Go" ay ang soundtrack ng animated film na "Frozen".
Tinalo nito ang iba pang nominado kagaya ng "Happy" (Despicable Me 2); "The Moon Song" (Her); at "Ordinary Love" (Mandela: Long Walk to Freedom).
Napag-alaman na ang ama ni Robert ay half Filipino, Filipino and Scottish-American naman ang kanyang lola, habang pure Filipino ang kanyang lolo.
Sa kanilang acceptance speech, sinabi ng mag-asawa na inspirasyon nila sa paggawa ng nasabing awitin ang kanilang dalawang anak.
0 comments:
Post a Comment