TALISAY CITY - Patay ang isang katao habang labing-lima ang sugatan sa banggaan ng isang pampasaherong jeep na may plakang FVV 203 at Nissan Urvan na may plakang FXA 565 sa Traffic Light ng Access Road ng Brgy. Efigenio Lizares, Talisay City, Negros Occidental.
Kinilala ang nasawi kay Junie Tornillo, 27-anyos ng Brgy. Dos Hermanas, Talisay City na nagtamo ng malubhang sugat sa ulo.
Ang mga sugatan naman ay agad isinugod sa pagamutan.
Nangyari ang aksidente dakong alas-6:00 kaninang umaga sa traffic intersection sa kahabaan ng Brgy. Efegenio Lizares, Talisay City kung saan sinasabi na nag-stop na ang signal ngunit mabilis na tumawid ang van kaya nabundol nito ang jeep.
Napag-alaman na nagmamadali ang van na minamaneho ni Cebrilito Fernandez ng Brgy. Singcang, Bacolod City patungo sa airport sa Silay City lulan ang mga pasahero.
Patuloy ang imbestigasyon ng Talisay PNP sa insidente.
0 comments:
Post a Comment