Nagbunyi ang mga taga- Iloilo ngayon lalo na ang mga lumahok matapos na isa na namang world record ang naitala ng Pilipinas kasabay ng Light of Peace Event 2014 na isinagawa kagabi sa Oton, Iloilo.
Una rito, naagaw ng Pilipinas ang rekord sa “largest flaming image” gamit ang mga kandila na ang record ay dating hawak ng bansang Pakistan noong 2010.
Mismong ang kinatawan at adjudicator ng Guinness Book of World Records na si Seyda Subasi Gemici ang nag-anunsyo na nakuha ng Pilipinas ang panibagong rekord matapos magtala ng kabuuang 56,680 flaming image kung saan binuo ang mapa ng Pilipinas, logo ng Middle Way Meditation Institute at motto ng Light of Peace event na “World Peace Through Inner Peace.”
Kabuuang 100,000 na mga kandila na inilagay sa bamboo torch ang sinindihan subalit ang binilang lamang ay ang nakasinding kandila na bumuo sa nasabing mga imahe.
Libu-libong mga volunteers at indibidwal mula sa iba’t ibang sektor ang nakilahok sa aktibidad at mayroon ding nga banyagang nakiisa.
0 comments:
Post a Comment