Umabot na sa 12 ang nasawi habang 96 ang nasugatan sa ibat-ibang pangyayari sa kasagsagan ng pagunita ng Semana Santa.
Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, karamihan sa mga dahilan ay vehicular accident.
Kabilang na dito ang tatlong nasawi sa Region 1, tatlo rin sa Region IV-A, lima sa libmanan, Camarines Sur, isa sa Gingoog City, Misamis Oriental.
Pinakamaraming sugatan ay ang nangyaring aksidente sa Bani, Pangasinan na umabot sa 54, pito sa Camarines Sur, tigli-lima sa , Santiago Ilocos Sur at Gingoog City Misamis Oriental.
Magugunitang 20 katao ang isinugod sa ospital sa Catbalogan City, Samar dahil sa carbon monoxide poisoning.