Umaabot sa 11 katao ang sugatan sa pagkatumba ng isang trak na may kargang tubo sa Malungon, Sarangani Province.
Ayon sa PNP GenSan, kaagad na dinala sa pagamutan ang mga biktima na nagtamo ng mga sugat sa iba't-ibang bahagi ng katawan. Galing sa bukid ang trak habang bigla na lamang itong nawalan ng kontrol dahil sa dami umano ng karga nitong tubo.
Ilan sa mga sugatan na mga sakay nito ay nakalabas na ng ospital maliban na lamang sa tatlo na nagtamo ng matinding sugat at pagkapilay matapos natabunan ng kargang tubo.