Nasa ligtas nang kalagayan ngayon ang 14 na mga pasahero mula sa tumaob na motor banca sa karagatan ng Masbate.
Nailigtas ang mga pasahero matapos tumaob ang dalawang motor banca na sinasakyan ng mga ito.
Napag-alaman na galing sa isang outing ang mga pasahero na naligaw sa nasabing lugar.
Agad namang dinala ang mga ito sa pinakamalapit na isla partikular sa bahagi ng Virgin Island sa lalawigan upang matiyak ang kanilang kaligtasan.
Patuloy pa hanggang ngayon na inaalam ng Navy kung taga-saan ang mga ito at kung ano ang dahilan ng paglubog ng kanilang sinasakyang motor banca.
0 comments:
Post a Comment