Nailigtas ang 190 pasahero ng isang Ro-Ro Vessel na naaaberya sa Odiongan, Romblon kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Coast Guard, na biglang huminto ang propeller ng MV Super Shuttle nang pumulupot dito ang isang lubid. Agad naman inilipat ng Coast Guard Romblon sa ibang barko ang mga pasahero.
Ang MV Super Shuttle ay patungo sanang Batangas City.
Ligtas na nakabalik sa puerto sa Poctoy, Odiongan ang nasabing Ro-Ro Vessel.