Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang vintage bomb na nahukay sa isang construction site sa Candelaria, Quezon.
Ang bomba ay may bigat na 25 lbs ay nadiskobre ng ilang trabahador ng isang commercial establishment na pagmamay-ari ng nagngangalang Dennies De Vera sa Barangay Poblacion na siya mismong nagpaabot ng impormasyon sa pulisya.
Napag-alaman na nasa kalagitnaan ng paghuhukay kahapon ang ilang manggagawa nang mahukay ang bomba.
Kaagad namang binirepika ng mga otoridad ang nasabing report at nakumpirmang isa nga itong bomba.