Umabot sa 20 katao ang isinugod sa ospital matapos na malason ng carbon monoxide sa Catbalogan, Samar.
Ayon sa ulat ng NDRRMC, nangyari ang carbon monoxide poisoning noong Miyerkules, Abril 16, kung saan karamihan sa mga biktima ay participants ng Rationalization Plan ng Department of Education na dinaluhan ng 45 katao.
Kinilala ang mga biktima na sina Beverlyn Dabuet, Gail Calompiano, Marijoy Abad, Maristela Cabalquinto, Coleen Batica, Ruedes Maribel, Myla Giray, Cheseth Cabalquinto, Ma. Laarni Navidad, Roque Marissa, Catherine Gallegar na pawang na-admit sa Samar Provincial Hospital.
Habang outpatient sina Paulina Gabon, Jessie Rose Bacsal, Cecelia Arga, Marjorie Gabampa, Ma. Pauline Macabare, Ely Fructoso, Ellen Nacional, Florina Davunay at Labro Blanca.
Ayon sa ulat, dumanas ng pagkahilo, paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga ang mga biktima habang ang iba ay nasusuka matapos malanghap ang carbon monoxide mula sa generator set ng ginagamit sa DepEd Building.