Isang babae ang natagpuan na patay sa lungsod ng Bacolod matapos pumasok sa Inn kasama ang isang Korean National.
Kinilala ang biktima kay Leizel Lipat, 22-anyos at residente ng Brgy. Busay, Bago City, Negros Occidental. Base naman sa pagkilanlan ng kanyang ama matapos naggamit ito ng ibang pangalan base sa record ng Inn.
Natagpuan si Lipat na patay na sa loob ng Mercinary Inn sa Brgy. Singcang, Bacolod City matapos nag-check-in noong Sabado Abril 5 ng gabi kasama ang Korean National na si Anthony Han.
Inayag na may dugo sa labi ng biktima lalo na sa kanyang higaan ngunit wala naman itong sugat sa katawan. Base sa inayag ng manager ng Inn kanilang pilit binuksan ang silid matapos walang sumagot sa loob ng silid.
Napag-alaman na nag-iisa na lamang sa silid ang biktima matapos una nang lumabas ang Koreano makalipas ang halos apat na oras simula na nag-check in ang mga ito dakong 7:00 ng gabi noong Abril 5.
Matapos natagpuan ang biktima, pumunta si Han sa Police Station para magtanong sa nangyari ngunit ito ay kanilang hinuli at ini-imbestigahan kung saan pinaniniwalaan ito ang suspect sa krimen.
0 comments:
Post a Comment